Tuesday, January 6, 2009

it's a lifestyle

ako si dalamhati. 

see my display name? ... well it's a lifestyle. hindi ako masokista pero ganyan ang takbo ng buhay ko.

paunang post ko pa lang ito pero kaunting intro lang; para hindi naman masabi na nagsasayang ako ng post.

ang lagay ko ba naman kasi eh parati na lang nahuhulog ang loob ko sa mga nerd - yun bang tipo na masyadong pursigido at wala pa sa isip ang magkarelasyon sa kahit kanino. Karera o pag-aaral ang inuuna kaya laging nangunguna pero pagdating sa buhay pag-ibig eh medyo napag-iiwanan. SSB ba. (single since birth)

Matalino kasi akong tao; hindi yung tipong kinaiinisan mo dati nung hayskul ka. Gumagana talaga nang malupit utak ko at hindi kabisote ng libro. Madiskarte rin ako. Bakit ba ako nagplug ng sarili ko? Bakit ba ako nagbubuhat ng sarili kong bangko? Ayaw ko lang kasi na maisip niyo na kaya puros nerd ang mga natitipuhan ko ay dahil ganun rin ako. Baliktad nga iyon eh. Talentado kasi akong tao; pinanganak akong may talent. Nasanay na hindi nagsusumikap pero una pa rin kadalasan. Siyempre minsan, pumapalya rin. Hindi naman lahat nadadaan lang sa talent. Sa mga pagkakataong ganito ko naiisip na kung sana nabiyayaan ako ng kahit katiting na sipag at tiyaga eh baka iba ang naging resulta. Sa madaling sabi, trip ko mga nerd hindi dahil ganun ako kung hindi dahil natutuwa akong pagmasdan ang kasipagan at determinasyon nila. Baka sakaling matularan ko sila balang araw.  

whew... mabalik tayo sa nabanggit ko kanina. Parati nga kasi akong nagkakagusto sa nerd. Lagi nilang ipinangangalandakan na wala pa silang balak, o wala pa isip nila, o wala silang panahaon sa relasyon. pero siyempre, may hihirit diyan na kahit nagmamadre pa 'yan, kung gusto talaga ay lalabas rin ng kumbento. ang ibig kong ipahiwatig ay siguro hindi lang rin talaga kinaya ng powers ko yung extra challenge.

hindi naman sa feelingero ako pero tantiya ko naman sa sarili ko, kung gusto ko lang ng girlfriend, as in yun lang habol ko, mailagay lang ba sa friendster account status ko na "in a relationship" or kung tinopak ako eh "itsh komplikated", e kaya naman. pero sadyang maarte lang siguro at pihikan. ayaw paawat eh. masyado mapilit. 

kaya iyon nagmumukha tuloy tanga. hindi makagraduate sa panliligaw. taena, nakakailang-ikot na nga ako sa kakabakod eh. sa lahat pa naman ng ayaw ko ay yung nagmumukhang tanga. kung sabagay, wala naman akong kilala at wala rin akong maisip na gugustuhing magmukhang tanga. pero para sa akin siguro doblehin mo o triplehin mo yung pag-iwas ko sa ganung mga sitwasyon. gayunpaman, ang pasya ko pa rin sa dulo ay lunukin na lamang yung yabang at angas ko para makipagsapalaran sa kanya.

kaso sablay eh. tsaka ko na ikukuwento kung papaano. 

basta sa ngayon, ito na lang muna ang mahalaga: sablay ang resulta, kaya...

ako si dalamhati.

No comments:

Post a Comment